Monday, April 21, 2025
HomeTop StoriesNational NewsMuling Pagbabalik ng Operasyon ng LRT Line 2 at MRT-3

Muling Pagbabalik ng Operasyon ng LRT Line 2 at MRT-3

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Department of Transportation – Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) ang muling pagbabalik ng regular na operasyon ng LRT Line 2 at MRT-3 simula Lunes, Abril 21, 2025. Ito ay kasunod ng matagumpay na pagsasagawa ng kanilang taunang maintenance activities ngayong Semana Santa.

Operasyon ng LRT Line 2:


Magsisimula ang regular na biyahe sa Abril 21, 2025. Aalis ang unang tren mula Recto at Antipolo Stations sa ganap na 5:00 ng umaga.

Operasyon ng MRT-3:


Muling magsisimula ang operasyon ng MRT-3 sa parehong araw. Aalis ang unang tren sa North Avenue Station sa ganap na 4:30 ng umaga, habang 5:05 ng umaga naman sa Taft Avenue Station.
Mananatiling naka-extend ng isang oras ang huling biyahe:


10:30 ng gabi mula North Avenue Station
11:09 ng gabi mula Taft Avenue Station

Patuloy na ipatutupad ang heightened alert level sa buong linya upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng pasahero.

Matatandaang pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng MRT-3 noong Huwebes Santo, Abril 17, upang bigyang-daan ang maintenance works sa iba’t ibang bahagi ng linya.

Pinagmulan:DOTr MRT-3 at LRTA

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine