Monday, November 3, 2025
HomeTop StoriesNational NewsDAR, Land Bank, Dapat Magbayad ng ₱28.5 Bilyon sa Hacienda Luisita 

DAR, Land Bank, Dapat Magbayad ng ₱28.5 Bilyon sa Hacienda Luisita 

Binatikos ng beteranong mamamahayag at dating opisyal ng gobyerno na si Rigoberto “Bobi” Tiglao ang desisyon ng Court of Appeals na pagbabayarin ang gobyerno ng mahigit ₱28 bilyon bilang kompensasyon sa pamilya Cojuangco para sa Hacienda Luisita.

Sa isang opinion piece na inilathala ng Manila Times at sa kanyang sariling website, ang desisyong ito ay nagmula sa Special Twelfth Division ng Court of Appeals na nagsabing nararapat bayaran ang Hacienda Luisita Inc. (HLI) para sa 4,500 ektaryang asukarera na isinailalim sa programa ng repormang agraryo noong 1989. 

Ayon sa kautusan, ang Department of Agrarian Reform (DAR) at ang Land Bank of the Philippines (LBP) ang siyang inatasang magbayad ng nasabing halaga.

Ang malaking bahagi ng ₱28.5 bilyon ay binubuo ng interest o tubo na naipon sa loob ng halos tatlong dekada. Mula sa orihinal na halagang ₱196.6 milyon na itinakda ng Korte Suprema noong panahon ni yumaong Chief Justice Renato Corona bilang makatarungang kabayaran, ang bagong halaga ay lumobo ng mahigit 150 ulit. 

Sa bagong desisyon, ginamit ng Court of Appeals ang mas mataas na basehan ng halaga ng lupa at ipinatong dito ang interes na 12% mula 1989 hanggang 2013, at 6% mula 2014 hanggang 2025, dahilan upang umabot sa halos ₱28.5 bilyon ang kabuuang halaga.

Ayon sa ulat ng Abogado.com, inilabas ng CA ang isang 35-pahinang resolusyon na bumaligtad sa desisyon ng Tarlac Regional Trial Court na nagpatibay sa mas mababang halagang ₱304 milyon, kabilang na ang ₱167.4 milyon na interes, na noon ay itinakda ng DAR at Land Bank. Tinuligsa ng CA ang naunang desisyon at tinawag itong “misplaced, contrary to existing evidence and applicable jurisprudence.”

Sa madaling sabi, ayon sa Court of Appeals, ang naging desisyon ng mababang hukuman ay walang sapat na batayan sa ebidensya at labag sa mga umiiral na desisyon at prinsipyo ng batas. Sa pananaw ng CA, mali ang naging proseso ng pagsusuri sa halaga ng lupa at hindi ito tumugma sa mga nauna nang legal na pamantayan at ebidensya.

Sa kabuuan, inatasan ng CA ang DAR at LBP na bayaran ang HLI ng ₱28,488,944,278.71 hanggang Abril 30, 2025, at magpapatuloy ang pagtakbo ng interes hangga’t hindi pa ito lubusang nababayaran.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine