Sa isang panayam ng The Platform News PH (TPN) kay energy consultant Arwin Lawas Ardon, lumitaw na ang mataas na presyo ng kuryente sa Pilipinas ay hindi lang dahil sa presyo ng langis o sa mga pribadong kompanyang gumagawa ng kuryente. Malaki rin ang papel ng batas.
Ang Republic Act 9136, o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ay naisabatas noong 2001. Ayon kay Ardon, ang batas na ito ang bumuo ng sistema ng billing natin ngayon at ipinapasa raw nito ang pasanin sa mga konsumer.
βIto lang ang negosyo kung saan ang mga losses mo ay pinababayaran mo directly sa mga consumer,β ani Ardon.
Napaisip kami. Totoo ba ito?
Tingnan natin ang breakdown ng isang karaniwang electric bill na nagkakahalaga ng β±1,000.
- β±550 (55%) ang napupunta sa mga power producer. Sila ang nagpapatakbo ng mga planta na gumagamit ng coal, natural gas, o renewable energy. Kasama sila sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na kadalasang sinisisi kapag tumataas ang presyo ng kuryente kapag pinag uusapan sa mga programa ng balita sa radyo o telebisyon.Β
- β±100 (10%) ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagdadala ng kuryente mula sa mga planta patungo sa mga lokal na distributor. Sila ang parang mga expressway na dinadaan ng kuryente mula planta papunta sa mga local distributors.Β
- β±175 (17.5%) lang ang tunay na napupunta sa lokal na power distributor gaya ng MERALCO. Ito ang ginagamit nila para sa maintenance ng mga poste, kawad, metro, at iba pang bahagi ng serbisyo.
- Dito kami napatigil: β±85 (8.5%) ang singil para sa mga system losses. Ayon kay Ardon, βKung may mga nasunog na kable ng kuryente sa kabilang dako, naputol na kable, yan ay binabayaran sa lahat ng consumer.βΒ
Kasama din dito ang mga nawawalang kuryente dahil sa jumper, teknikal na aberya, at iba pa. Sa ilalim ng EPIRA, pinapayagan ang mga kumpanya na ipasa ang halagang ito sa lahat ng konsumer.
Ang natitirang β±45 (4.5%) ay binubuo ng franchise tax na binabayaran sa gobyerno, missionary electrification para sa malalayong lugar, environmental charges, lifeline at senior citizen discounts, mga adjustment sa dolyar, at bahagi para sa dating utang at renewable energy projects.
Kaya kung babalikan natin ang tanong β totoo ba na ito lang ang negosyo kung saan ang pagkakatalo ng kumpanya ay pinababayaran sa mga konsumer ng direkta?
Ang sagot: Oo.
At legal pa ito, salamat sa EPIRA.