Sunday, October 12, 2025
HomeTop StoriesNational NewsBagyong Crising Patuloy na Nananalanta sa Pilipinas

Bagyong Crising Patuloy na Nananalanta sa Pilipinas

Patuloy na nananalasa si Bagyong Crising sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, na nagdulot ng matinding pagbaha sa mga lalawigan ng Palawan, Negros Occidental, at Cagayan. Kasabay ng habagat, nananatiling nakataas ang mga Red, Orange, at Yellow Rainfall Warning sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA kaninang 5:00 AM, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 km kanluran hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 85 km/h malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 115 km/h, habang ang central pressure ay nasa 985 hPa.

RED RAINFALL WARNING
Matinding baha at pagguho ng lupa ang inaasahan.
Agad na lumikas kung kinakailangan.

Mga apektadong lugar:

  • Northern Cagayan
    (Abulug, Allacapan, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Calayan, Camalaniugan, Claveria, Gattaran, Gonzaga, Lal-Lo, Lasam, Pamplona, Sanchez Mira, Sta. Ana, Sta. Praxedes, Sta. Teresita)
  • Ilocos Norte
  • Apayao
  • Negros Oriental
  • Negros Occidental
  • Antique
  • Palawan (El Nido, Linapacan, Taytay)
  • Occidental Mindoro (Abra De Ilog, Calintaan, Looc, Lubang, Mamburao, Paluan, Sablayan, Sta. Cruz, Rizal)

ORANGE RAINFALL WARNING
Banta ng pagbaha at posibleng landslide.
Mag-ingat sa mga gilid ng bundok at mabababang lugar.

Mga apektadong lugar:

  • Abra
  • Ilocos Sur
  • Benguet
  • La Union
  • Pangasinan
  • Zambales
  • Bataan
  • Capiz
  • Iloilo
  • Aklan
  • Guimaras
  • Palawan (Aborlan, Araceli, Busuanga, Coron, Cuyo, Magsaysay, Narra, Quezon, Roxas, San Vicente, Culion, Sofronio EspaΓ±ola, Agutaya, Dumaran, Rizal)
  • Occidental Mindoro (Magsaysay, San Jose)

YELLOW RAINFALL WARNING
Posibleng pagbaha at landslide.
Maging alerto sa mga paalala ng lokal na awtoridad.

Mga apektadong lugar:

  • Natitirang bahagi ng Cagayan
  • Northern Isabela
    (Cabagan, Divilacan, Ilagan City, Maconacon, Delfin Albano, Mallig, Palanan, Quezon, Quirino, Roxas, San Pablo, Sta. Maria, Sto. Tomas, Tumauini)
  • Kalinga
  • Cavite
  • Batangas
  • Metro Manila
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Tarlac
  • Palawan (Balabac, Bataraza, Brooke’s Point, Puerto Princesa City, Kalayaan, Cagayancillo)
  • Cebu (Alcantara, Alcoy, Alegria, Argao, Badian, Boljoon, Dalaguete, Ginatilan, Malabuyoc, Moalboal, Oslob, Santander, Samboan, Ronda)

Papalabas na ng kalupaan ng Extreme Northern Luzon ang Bagyong Crising, ngunit patuloy pa rin nitong pinapalakas ang habagat na nagdudulot ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

BABALA SA PUBLIKO:

  • Patuloy pa rin ang banta ng matitinding pag-ulan, pagbaha, at posibleng pagguho ng lupa dulot ng pinalakas na habagat.
  • Maging alerto sa mga updated rainfall warnings ng PAGASA at makinig sa mga anunsyo ng inyong lokal na pamahalaan.
  • Agad na lumikas kung kinakailangan at iwasan ang pagtawid sa baha o pananatili sa landslide-prone areas.
  • Kaligtasan ang pinakamahalaga. Mag-ingat, maghanda, at makiisa sa mga awtoridad.

Source: DOST PAG-ASA

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine