Monday, November 3, 2025
HomeTop StoriesNational NewsBAGYONG TINO PAPALAPIT AT PALAKAS NG PALAKAS — POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON!

BAGYONG TINO PAPALAPIT AT PALAKAS NG PALAKAS — POSIBLENG MAGING SUPER TYPHOON!

Patuloy na lumalakas ang Bagyong TINO, na ngayo’y halos umabot na sa typhoon category habang papalapit sa Eastern Visayas. Kumikilos ito pa-kanluran-timog kanluran sa bilis na 25 km/h, taglay ang maximum sustained winds na 110 km/h at bugso na umaabot sa 135 km/h. Ayon sa PAGASA, hindi isinasantabi ang posibilidad na umabot ito sa super typhoon category sa loob ng susunod na 24 oras

TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS (TCWS)

Signal No. 3 — Storm-force winds (89–117 km/h)
Visayas: Timog-silangang bahagi ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes)
Mindanao: Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands

Signal No. 2 — Gale-force winds (62–88 km/h)
Visayas: Eastern Samar, Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Bohol, Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands), at hilagang bahagi ng Negros Occidental
Mindanao: Surigao del Norte, hilagang Surigao del Sur, at hilagang-silangang Agusan del Norte

Signal No. 1 — Strong winds (39–61 km/h)
Luzon: Sorsogon, Masbate, Albay, Quezon (timog bahagi), Mindoro, Romblon, Marinduque, Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands)
Visayas: Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Cebu, Negros, Guimaras, Iloilo, Capiz, Aklan, Antique
Mindanao: Surigao del Sur, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon

BABALA: MALALAKAS NA HANGIN, BUHOS NG ULAN, AT STORM SURGE ANG INAASAHAN!
Inaasahan ang pagbuhos ng ulan at storm surge na maaaring umabot ng higit 3.0 metro sa mga baybaying bahagi ng Sorsogon, Masbate, Mindoro, Palawan, Visayas, at Caraga Region sa loob ng 48 oras. May Gale Warning din sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao, at southern Luzon, kung saan maaaring umabot sa 9.0 metro ang taas ng alon.

LAND-FALL ALERT:
Posibleng mag-landfall si TINO sa pagitan ng Southern Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, o Dinagat Islands pagsapit ng hatinggabi hanggang madaling araw ng Nobyembre 4. Tatawirin nito ang Visayas at hilagang Palawan bago lumabas sa West Philippine Sea sa Miyerkules, Nobyembre 5.

PUBLIC WARNING:
Mahigpit na ipinapayo ng DOST–PAGASA at NDRRMC sa mga residente ng mga lugar na nasa ilalim ng Signal Nos. 1–3 na agad na maghanda at makinig lamang sa mga opisyal na anunsyo. Lumikas agad kung kayo ay nakatira sa mga lugar na madaling bahain o gumuho.

Source: PAGASA

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine