Good news sa mga konsyumer ng MERALCO! Inanunsyo ng kumpanya na magkakaroon ng bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero.
Ayon sa balita ng News5, aabot sa P0.1637 kada KWh ang kaltas sa buwanang bill ngayong buwan.
Inaasahang babaaba sa P12.9508 kada KWh ang overall rate para sa mga pangkaraniwang tahanan.
Ayon sa MERALCO, ito ay dahil sa pagbaba ng residential transmission rate dulot ng mas mahabang ancillary service charges na binayaran ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Ancillary Service Procurement Agreement at Reserve Market.
P33 ang mababawas sa mga pamilyang nakakakonsumo ng 200KWh, habang P49 naman
para sa mga pamilyang umaabot ng 300KWh.
P65 ang ibababa sa 400KWh, at P82 para sa mga tahanang komokonsumo ng 500KWh.
Sa ibang balita, tataas ang presyo ng mga produktong pretrolyo ngayong araw, January 13,
2026.
Ayon sa ilang kumpanya ng langis, P0.30 ang itataas ng presyo ng bawat litro ng gasolina at kerosene, at P0.20 naman para sa diesel.
Inaasahan na ang Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines Corp., at Unioil Petroleum Philippines, Inc. ang magpapatupad ng taas-presyo sa gasolina at diesel.
Bumaba ng P0.10 ang halaga ng kada litro ng gasolina, pero tumaas din ng P0.20 ang diesel at P0.10 ang kerosene noong nagkaraang linggo.


