Saturday, May 17, 2025
HomeThe Election 2025Mahigit 7M Boto Nasayang sa mga Kandidatong Umatras

Mahigit 7M Boto Nasayang sa mga Kandidatong Umatras

Umabot sa 7.94 milyong boto ang nasayang sa senatorial elections ngayong halalan, matapos iboto ng mga botante ang mga kandidatong umatras ngunit nanatili sa opisyal na balota.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ang mga botong ito ay tinuring na stray votes at hindi isinama sa opisyal na bilangan. Ito ay katumbas sa humigit-kumulang 14.2% ng lahat ng botong binilang para sa Senado.

Ibig sabihin, higit isa sa bawat pitong botante ang pumili ng kandidatong wala nang bisa ang kandidatura sa araw ng halalan.

Pinakamalaking bahagi ng mga void na boto ay napunta kay Dr. Willie Ong ng Aksyon Demokratiko, na umatras noong Pebrero 21, 2025 upang ituon ang oras sa kanyang gamutan sa kanser. Nakalista pa rin siya sa balota bilang “ONG, DOC WILLIE (AKSYON),” at tumanggap ng 7,353,480 boto.

Pumwesto si Ong sa ika-27—malapit sa top 12 ngunit hindi kinilala ang kanyang boto.

Kasama rin si Wilbert T. Lee, na umatras noong Pebrero 10, 2025 dahil sa kakulangan ng pondo para sa pambansang kampanya. Bilang “LEE, MANOY WILBERT (AKSYON)” sa balota, tumanggap siya ng 584,004 boto, pero hindi rin ito isasama sa opisyal na tally ng COMELEC.

Pumwesto si Lee sa ika-56.

Ayon sa COMELEC, ang cutoff para sa pag-alis ng pangalan sa balota ay Enero 27, 2025, kung kailan nagsimula ang opisyal na pag-imprenta ng mga balota. Ang mga kandidatong umatras bago nito ay hindi na sinama sa official lineupkabilang na si Luis “Chavit” Singson (Independent) na umatras noon Enero 16 dahil sa sinasabing “health concerns.”

 Si Francis Leo Marcos ay umatras din noong Enero 23 para suportahan ang kandidatura ni Senator Imee Marcos.

Dahil naabisuhan nang maaga, hindi na isinama ang kanilang mga pangalan at wala silang natanggap na boto.

Sa kabila ng naitalang 81.65% voter turnout—ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas—ang dami ng hindi kinilalang boto sa Senado ay nagbawas sa bisa ng boto ng mahigit pitong milyong katao o haos 1.4k kada sampung boto ay napunta sa dalawang kandidatong umatras na.

Sabi ng COMELEC, wala nang legal na paraan upang bilangin ang mga botong ito, dahil ang mga kandidatong tinukoy ay pormal nang umatras at hindi na saklaw ng opisyal na certification of candidacy sa araw ng halalan.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine