Sunday, November 2, 2025
HomeTop StoriesEditorial NewsOTEC at Tidal Energy: Mga Enerhiyang Matagal Nang Naghihintay sa Pansin ng...

OTEC at Tidal Energy: Mga Enerhiyang Matagal Nang Naghihintay sa Pansin ng Pilipinas

Sa isang bansang napapalibutan ng tubig, tila matagal na nating pinalampas ang isang oportunidad.

Bilang isang bansang tropikal, tumatanggap ang Pilipinas ng tinatayang 5 hanggang 5.7 na oras ng harvestable sunlight kada araw, isa sa pinakamataas sa buong mundo. Ayon kay energy consultant Arwin Lawas Ardon, malinaw na may potensyal itong pagkakitaan at gawing solusyon sa kakulangan ng enerhiya. Marahil iisiping solar lang ang tinutukoy ni Ardon, lalo na’t ito ang paksa sa isa naming naunang article

Pero may dagdag pa siyang punto — ang karagatan. 

Paliwanag niya, may dalawang uri ng enerhiya mula sa karagatan na pwedeng ma-harness ng Pilipinas. Matagal na raw itong posibilidad na hindi nabibigyan ng pansin.

Una ay ang Ocean Thermal Energy Conversion, o OTEC. Gumagamit ito ng natural na pagkakaiba ng temperatura sa pagitan ng mainit na ibabaw na tubig at malamig na malalim na tubig dagat upang makalikha ng kuryente.

Pangalawa ay ang Tidal In-Stream Energy. Para rin itong underwater wind turbine na kumukuha ng enerhiya mula sa paggalaw ng agos o alon ng dagat. 

Sa dami ng coastal areas sa bansa, malaking tulong ito lalo na sa mga off-grid na komunidad sa isla.

Meron na ba nito sa Pilipinas?

Ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer at International Water Power & Dam Construction nitong unang bahagi ng 2024, may isinusulong na tidal energy project sa Capul, Northern Samar. Ito ay magiging kauna-unahang tidal power generation plant sa buong Southeast Asia, gamit ang lakas ng marine currents sa San Bernardino Strait. 

Gayunpaman, sa ngayon ay wala pang inilalabas na update tungkol dito.

Samantala, may pondong inilaan ang Mitigation Action Facility (MAF) para suportahan ang tidal at hybrid renewable energy projects sa mga off-grid na isla sa bansa.

Para naman sa OTEC, isang 10 MW facility sa Zambales na tinawag lamang na “The Project” ang dating itinuturing na magiging kauna-unahang ocean energy plant ng Pilipinas. Inaasahan sanang magsimula ang operasyon nito noong 2018. Sa kasamaang palad, hindi ito naituloy hanggang ngayon.

Kaya kung tatanungin kung nasaan na tayo sa paggamit ng enerhiya mula sa dagat, ang maikling sagot: kailangan pa nating maghintay.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine