Ang tinuturong “The Big One” ay isang inaasahang lindol na posibleng magmula sa West Valley Fault, isang pangunahing bahagi ng Marikina Valley Fault System na tumatawid sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), huling nagkaroon ng malaking paggalaw ang fault noong 1658, kaya’t itinuturing itong “ripe for movement” at may kakayahang makabuo ng magnitude 7.2 na lindol. Mula sa Metro Manila Earthquake Impact Reduction Study at iba pang pagtataya, tinatayang maaaring umabot sa libu-libong buhay ang mawawala, pati na rin daan-daang libong gusali ang mabibigo, habang mga pangunahing kalsada’y maaaring masira at seryosong maantala ang koordinasyon sa ospital at iba pang serbisyong pang-emergency.
Upang tugunan ito, inilunsad ng NDRRMC sa pamamagitan ng OCD ang Oplan Metro Yakal Plus noong 2015. Batay sa opisyal na dokumento ng plano, nakapaloob dito ang kumpletong contingencies para sa lindol, kasama ang mga tungkulin ng ahensya, sistema ng logistical coordination, emergency communication, at mabilisang paggalaw ng search and rescue teams mula bago tumama ang lindol pa lamang. Isinagawa na rin ang iba’t ibang tabletop exercises at quarterly national simultaneous earthquake drills upang subukan ang plano kasama ang mga lokal na pamahalaan, MMDRRMC, UNDP, at Australian Aid.
Kasabay nito, ipinapatupad ang Philippine Seismic Risk Reduction and Resilience Project na pinondohan ng World Bank na may halagang $300 milyon. Layunin nitong palakasin ang seismic resilience ng mahigit 400 pampublikong gusali, tulad ng mga paaralan, ospital, at evacuation centers, at paigtingin ang kapasidad ng DPWH na mag retrofit ng mga tulay at pangunahing kalsada upang manatiling bukas sa oras ng disaster
Palalakasin din ang building enforcement sa lokal na antas. Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno ng OCD, kinakailangang mas mapagsanay ang duck-cover-hold drills at paulit-ulit itong isagawa, pati na ang structural assessments sa mga paaralan at iba pang critical structures. Mahigit 20,000 katao, kabilang na ang AFP, PNP, Coast Guard, at BFP ang handang tugon sakaling mangyari ang “Big One.”
Sa kabuuan, ang mga hakbang ng gobyerno ay umikot sa tatlong pangunahing aspeto: pagsasanay ng tao at ahensya, pagpapatibay ng imprastruktura, at masusing logistikal na paghahanda. Maaaring hindi ito lubos na sapat, ngunit malinaw at pinagtitibay ang sistemang nakaayon para harapin ang malaking nanganganib.
Handang-handa ang bansa, ngunit kailangang panatilihin ang pagbabantay dahil kapag sumabog ang West Valley Fault, kailangang walang puwang ang pagkukulang.