Thursday, June 12, 2025
HomeTop StoriesFeatured ArticlesPagitan ng Gintong Tubo at Pawis ng Magsasaka

Pagitan ng Gintong Tubo at Pawis ng Magsasaka

Sa loob ng mahigit na isang siglo, inukit ng industriya ng asukal ang ekonomiya, politika, at lipunan ng rehiyon sa maraming parte ng Pilipinas. Sa librong Sugar and the Origins of Modern Philippine Society ni John A. Larkin, malinaw na ipinakita kung paano binago ng kolonyalismong Amerikano ang industriang ito, mula produksyon, kalakalan, hanggang sa relasyon ng mga may-ari ng lupa at mga manggagawa. 

Marami na rin ang nagbago mula sa mga sistema na pabor sa mga hacienderos sa panahon ng kolonyalismo, hanggang sa panahon ng reporma ng ika-21 siglo. 

At ngayong 2025, kitang-kita na malaki na ang pagbabago at modernisasyon naganap, pero bakit may mga nagsasabing bumababa ang kahalagahan ng industriya na ito sa buhay ng mga Pilipino?

Ayon sa Sugar Regulatory Administration, ang sugar output ng bansa para sa crop year 2024–2025 ay inaasahang aabot sa 1.837 milyong metric tons (MT) – halos 5% na mas mataas kaysa sa dating tantiya na 1.782 milyon MT. 

Gayunpaman, mas mababa pa rin ito ng 4.3% kumpara sa 1.92 milyon MT na produksyon noong nakaraang taon, 

Bagaman bumaba ang yield per ton (LKGTC), nakabawi ang sektor sa dami ng tanim kada ektarya. Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, patuloy ang suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng pananaliksik at pagpapalaganap ng bagong sugarcane varieties. Sa kasalukuyan, ang Mindanao ang may pinakamataas na LKGTC average na 1.74, kasunod ang Negros sa 1.65.

Nakapagtala rin ng pagtaas sa presyo ng asukal sa mill-site level mula ₱2,502.66 tungong ₱2,671.92 kada 50-kg bag, katumbas ng 6.8% na pagtaas.

Upang higit pang mapalakas ang lokal na produksyon, ang Department of Agriculture ay naglaan ng halos ₱10 bilyon para sa dalawang pangunahing proyekto: ang pagtatayo ng 16,000 solar-powered irrigation systems at soil rejuvenation sa mga rehiyong may maasim na lupa tulad ng Batangas at Tarlac. Target nitong madagdagan ang output ng hanggang 180,000 MT.

Sa kabila ng mga inisyatiba, nananatili ang mga hamon ng matagal nang suliranin sa istruktura: ang hindi pantay na pagmamay-ari ng lupa, kawalan ng benepisyo ng mga sakada, at patuloy na pag-asa sa iisang produkto. 

Mahaba pa ang lalakbayin tungo sa patas at matatag na industriya.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine