Wednesday, April 30, 2025
HomeTop StoriesNational NewsNBI Director Jaime Santiago, Nababahala sa Namataang Chinese Spy malapit sa COMELEC;...

NBI Director Jaime Santiago, Nababahala sa Namataang Chinese Spy malapit sa COMELEC; Babala ni Tolentino Muling Nabigyang Diin

Nagpahayag ng matinding pagkabahala si NBI Director Jaime Santiago matapos mamataan ng mga awtoridad ang isang Chinese national na gumagamit ng IMSI catcher malapit sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa Maynila.

Ayon sa ulat, nahuli ang banyaga habang kinokolekta umano ang impormasyon gamit ang high-tech na kagamitan na kayang mag-monitor ng text messages mula sa mga cellphone sa paligid. Lalo itong nakakabahala ngayong nalalapit na ang eleksyon sa 2025.

Ipinunto ni Director Santiago ang posibilidad na may mas malalim na motibo ang presensya ng dayuhang suspek sa naturang lugar, at nananawagan ng mas malalim na imbestigasyon ukol dito.

Muling naging sentro ng usapin ang babala ni Senador Francis “Tol” Tolentino, na matagal nang naglalantad sa mga posibleng pakikialam ng dayuhan sa eleksyon. Sa kanyang naunang imbestigasyon, lumabas na may indikasyon ng panghihimasok mula sa China sa darating na halalan sa 2025.

Ang insidenteng ito ay lalo pang nagpapalakas sa panawagan ni Sen. Tolentino para sa mas mahigpit na seguridad sa pambansang halalan, at pagtutok sa mga banta mula sa labas ng bansa na maaaring makaapekto sa integridad ng demokratikong proseso.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine