Mas lalo pang lumakas ngayong araw ang Tropical Storm Crising habang ito ay namataan sa silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan. Ayon sa PAGASA, bagamat ang sentro ng bagyo ay nasa dagat pa, nakakaapekto na ang malawak nitong katawan sa eastern at southern sections ng Luzon. Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 325 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan, taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso ng hangin na hanggang 80 kilometro kada oras. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilaga-kanluran.
Narito ang mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 dahil sa patuloy na paglakas at paglapit ng Tropical Storm Crising:
Signal No. 2
Batanes
Cagayan, kasama ang Babuyan Islands
Hilagang at silangang bahagi ng Isabela, kabilang ang:
Palanan
Ilagan City
Divilacan
Delfin Albano
Quezon
Tumauini
Maconacon
Santa Maria
Cabagan
San Pablo
Sto. Tomas
San Mariano
Dinapigue
Apayao
Hilagang bahagi ng Kalinga, kabilang ang:
- Tabuk City
- Balbalan
- Pinukpuk
- Rizal
Hilagang bahagi ng Abra, kabilang ang:
- Malibcong
- Lacub
- Lagangilang
- Licuan-Baay
- Danglas
- Lagayan
- San Juan
- Tineg
- La Paz
- Dolores
Ilocos Norte
Hilagang bahagi ng Ilocos Sur, partikular sa:
- Cabugao
- Sinait
Samantala, nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Isabela; Quirino; Nueva Vizcaya; natitirang bahagi ng Kalinga; Mountain Province; Ifugao; natitirang bahagi ng Abra; Benguet; natitirang bahagi ng Ilocos Sur; La Union; at hilagang bahagi ng Pangasinan kabilang ang San Nicolas, Natividad, San Quintin, San Manuel, Tayug, Sison, San Fabian, Pozorrubio, Laoac, Binalonan, San Jacinto, Manaoag, Mangaldan, Dagupan City, Binmaley, Lingayen, Labrador, Sual, Alaminos City, Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Mabini, Dasol, Calasiao, Sta. Barbara, Mapandan, at Bugallon.
Inaasahan na posibleng tumama sa kalupaan ang bagyo sa Babuyan Islands sa madaling araw ng Sabado, bago ito tumawid sa hilagang bahagi ng Luzon at tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado ng hapon.
Bukod sa direktang epekto ng bagyo, pinalalakas din ni Crising ang southwest monsoon o Habagat na magdudulot ng mga pag-ulan sa iba pang bahagi ng bansa. Apektado ng Habagat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, Ilocos Region, Bataan, at Zambales.
Dahil sa inaasahang masamang panahon, nagkansela na rin ng pasok ang maraming lugar sa Metro Manila sa lahat ng antas, bilang pag-iingat sa posibleng pagbaha at matinding trapiko dulot ng malalakas na pag-ulan.
Dahil dito, pinapayuhan ang publiko na maging mapagmatyag sa posibleng pagbaha, pagguho ng lupa, at pinsalang dulot ng malalakas na hangin. Hinihikayat ang lahat na patuloy na makinig sa mga babala mula sa PAGASA at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.