Wednesday, February 4, 2026
HomeTop StoriesStress sa Skul: Estudyante Bumigay sa Tambak na Requirements

Stress sa Skul: Estudyante Bumigay sa Tambak na Requirements

Nagging viral ang isang post sa social media tungkol sa isang labing-isang taong gulang nabata na di umano’y isinugod sa opsital at nasa kritikal na kondisyon matapos “bumigay angkatawan” dahil sa tambak-tambak na gawain sa paaralan.

Ayon sa post ng Serbiyo Totoo: May Malasakit, ilang linggo nang halos walang sapat napahinga ang estudyante dahil sa patong-patong na takdang-aralin, proyetko, performancetasks, at iba pang requirements sa paaralan. Dahil bukod sa regular na klase, kailangan paumano nitong magpuyat gabi-gabi para tapusin ang mga itinakdang deadlines.

Inireport ng mga saksi na bigla na lang nahilo at nawalan ng malay ang bata habang nasabahay. Agad itong dinala sa ospital kung saan kinumpirma ng doktor na nakaranas angestudyante ng “matinding physical exhaustion.” Dagdag pa ng attending physician ng batana ang labis na pagod, kakulangan sa tulog, at matinding stress ay maaaring magdulot ngseryosong epekto sa katawan ng bata.

“Ang katawan ng bata ay hindi pa ganap na handa sa sobrang pressure. Kailangan ito ng balance sa pag-aaral, pahinga at kalusugan,” sabi ng doktor.

Ayon ng ina ng estudyante, kahit daw may sakit ang kanyang anak ay pilit pa rin niyanggumawa ng mga assignments at projects dahil takot daw itong mapagalitan o bumaba ang Grado.

Umani ng iba’t-ibang reaksyon ang sinapit ng estudyante. May mga magulang na naglabas ng kanilang pagkabahala dahil sa labis na pagbigay ng akademikong gawain sa mgaelementary students, habang ang iba ay nanawagan sa Department of Education (DepEd) na bawasan ang school load ng mga bata.

“Hindi basehan ang projects and activities sa school para mabawasan at madagdagan ang puntos ng mga anak natin sa paaralan. Talino at sipag sa pag-aaral pa din dapat ang basehan para sa grades ng mga bata,” sabi ng isang anonumous participant sa post ng Lawyer’s Online Free Legal Advice Philippines.

Read More

Recent News

- Advertisment -
Google search engine